4,265
views
ping-lacson
By

Minaniobra ni Gordon ang Dengvaxia probe – Lacson

Sharing is caring!

Walang balak si Senador Panfilo Lacson na pumirma sa draft Blue ribbon committee report ukol sa Dengvaxia controversy na inakda ni Senador Richard Gordon.

Sa nasabing draft report, rekomendado ni Gordon na kasuhan ng katiwalian si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Bukod sa hindi sang-ayon sa nilalaman ng report, sinabi ni Lacson na alangan siya sa imbestigasyon ng Blue ribbon committee dahil sa simula pa lang nito ay kitang kita na ang prejudgment o maagang konklusyon ni Gordon.

Minaniobra umano ni Gordon, na chairman ng komite, ang imbestigasyon para umayon sa gusto nito ang resulta.

“I had my reservations based on his prejudgment which was too obvious to ignore. He was directing the investigation to suit the outcome that he had desired from the start,” ani Lacson.

Hindi dumalo si Lacson sa kahit isang pagdinig ng Blue ribbon committee pero nagbantay at nanood siya mula sa kaniyang opisina.

Hindi umano siya dumalo dahil sa “obvious reason” ng lahat ng iba pang senador – tumutukoy sa pagmo-monologue a ni Gordon sa pagdinig.

Sa panayam ng DZBB nitong Linggo, sinabi ni Gordon na may utang na loob si Lacson kaya ipinagtanggol nito si Aquino sa Dengvaxia issue.

Isinumbat na noong Aquino administration, nakauwi si Lacson mula sa pagtatago at naging Yolanda rehabilitation czar pa.

Ayon kay Lacson, sa sinabing ito ni Gordon, lalong tumibay ang kaniyang pasya na hindi pumirma sa committee report.

“The unreasonable comments mae by Sen. Gordon about me today just firmed up my decision not to sign his committee report,” diin ni Lacson.

Para maging opisyal na Blue ribbon report, kailangang 10 senador ang pumirma o majority ng mga myembro ng Blue ribbon committee.

Sa ngayon, anim pa lang ang nakalagda sa draft report.

Ito ay sina Gordon, Senador JV Ejercito, Tito Sotto, Gregorio Honasan, Juan Miguel Zubiri at Nancy Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?