9
duterte-w
By

Minaltratong OFW sa Saudi, makikipagkita kay Duterte

Sharing is caring!

Haharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi sa Davao City ang overseas Filipino worker na minaltrato ng kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang biktima na si Pahima Alagasi ay sasamahan ng mga opisyal ng Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) mamayang alas-6:15 ng gabi kay Pangulong Duterte sa Matina Enclaves ng nabanggit na lungsod.

Dumating sa bansa si Alagasi nitong Biyernes mula sa pananatili sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh.

Nakaranas ng kalupitan si Alagasi sa kanyang dating employer kung saan binuhusan ito ng kumukulong tubig at nakaligtas lamang sa posibleng kapahamakan nang tumakas sa bahay ng dating amo.

Matatandaang nagagalit si Pangulong Duterte kapag nakakatanggap ng report ng mga minaltratong OFWs sa Middle East.

Nagbanta pa ang Presidente na posibleng madagdagan ang mga bansa sa Gitnang Silangan na magkaroon ng deployment ban maliban sa Kuwait kapag patuloy na makakaranas ng pagmamaltrato ang mga Pinoy workers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?