1,491

Oct 5, 2021 @ 17:36
By

Minaliit si Leni: Agot rumesbak kay Atienza

Binira ni actress Agot Isidro si vice presidential aspirant Lito Atienza matapos maliitin si VP Leni Robredo.

Kamakailan kinuwestiyon ni Atienza si Robredo sa pagpipilit umanong maging presidential candidate at tinanong kung ano ba ang mga nagawa nito sa bansa.

“Ano ba nagawa mo bakit ka nagpupumilit mag-presidente? She should be able to answer that bilang Pilipino,” lahad ni Atienza.

Pinalagan ito ng mga supporter ni Robredo kabilang na si Agot.

Ayon kay Agot, hindi si Robredo ang nagpipilit na tumakbong pangulo kundi mga tao.

“Mawalang-galang na po, Mr. Atienza, kami po ang namimilit sa kanya na tumakbo. May namilit po ba sa inyo?” tweet ng aktres.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?