37

By

Mina ng TWICE umurong sa world tour dahil sa ‘extreme anxiety’

Hindi na makakasama ang isa sa miyembro ng TWICE na si Mina sa kanilang world tour na TWICELIGHTS dahil sa kinakaharap nito na ‘extreme anxiety’.

Ayon sa JYP Entertainment, kasalukuyang nakikipaglaban si Mina sa ‘extreme anxiety’.

Anila, “Mina is currently struggling with sudden extreme anxiety and insecurity toward performing on stage.”

Ayon sa JYPE, kumukunsulta na sila sa ilang propesyonal para mas maintindihan ang kinakaharap ni Mina.

“No exact diagnosis has been identified yet. We are consulting with several medical professionals to verify the cause in detail,” anila.

Napagkasunduan naman ng buong miyembro ng TWICE na huwag na munang sumama si Mina sa kanilang world tour upang makapagpagaling.

Siniguro naman ng JYPE na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mabilis na gumaling si Mina.

Dagdag pa nila, prayoridad nila ang kapakanan ng kanilang mga artist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?