18

Aug 8, 2020 @ 13:08
By

Mimiyuuuh ‘nilait’ si Sarah G.

Aliw ang bagong vlog ng YouTuber na si Mimiyuuuh, kung saan kinuha siya bilang dance instructor ng multi-performer na si Sarah Geronimo.

Syempre ay hindi nawala ang tatak ni Mimiyuuuh, kung saan pabirong kinantyawan nito ang performance ni Sarah G. sa kanyang hit song na ‘Sa Iyo’.

“Nakita ko talaga na she really needs help,” biro ni Mimiyuuuh sa Popstar. “May talent naman yung bata pero parang may maipupush pa po and I believe that’s what God made me for talaga po.”

Hindi pa natapos ang masayang huntahan ng dalawa, kung saan ng turuan na ng vlogger si Sarah ng dance step ay binago-bago niya ito, na game namang ginaya ng ‘Popstar Royalty’.

“Di ba nakita niyo naman sa video [talagang] gumaling si Miss Sarah, naging mas confident talaga siya,” alaska pa ni Mimiyuuuh.

Sey naman ng YouTuber, masaya siyang nabigyan ng pagkakataon na maka-collab si Sarah G. kahit sa maikling panahon lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,