30

Oct 4, 2021 @ 19:39
By

Mimaropa, Visayas binisita ni ‘Lannie’

Itinaas ang signal number one sa ilang bahagi ng Mimaropa at Visayas ngayong Lunes dahil kay Tropical Depression ‘Lannie.’

Batay sa update ng PAGASA nitong alas-4:00 p.m. ng hapon, namataan si Lannie sa Guihulngan, Negros Oriental taglay ang maximum sustained winds na 45 kph at gustiness na aabot sa 55kph.

Nakataas ang signal number one sa timog na bahagi ng mga probinsya ng Masbate, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at hilagang bahagi ng Palawan.

Samantala, ang apektado ng signal number one sa Visayas ay Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, ilang bahagi ng Negros Oriental, Cebu at Bohol.

Bukas ng umaga ay inaasahan na magla-landfall ang bagyo sa hilagang Palawan, at tuluyang lalabas ng bansa sa Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?