30
tnt_npa

Milyong halaga na ang nasira ng NPA ngayong taon – AFP

Sharing is caring!

Nasa P2.17 milyon na ang halaga ng ari-arian at negosyo na sinira ng New People’s Army (NPA) ngayong taon sa Mindanao.

Sa tala umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 50 mga pag-atake na ang naisagawa ng NPA sa rehiyon kabilang dito ang mga sinunog na bus, equipment at iba pang gusali na tumanggi ang mga may-ari ng kumpanya na magbayad ng revolutionary tax.

Ayon kay AFP spokesman Major Gen. Restituto Padilla, maituturing na economic sabotage ang ginawa ng NPA sa Mindanao.

Kaugnay nito, nagdagdag na ang militar ng puwersa sa Mindanao upang maprotektahan ang mamamayan kasunod ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?