24

Nov 23, 2021 @ 15:58
By

Milyon-milyon na nadekwat! Lolo, lola puntirya ng ‘love scam’

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga senior citizen laban sa talamak na “love scam” kung saan nasa P1 milyong hanggang P17 milyon na ang nadenggoy nito.

Sa “Unang Hirit”, sinabi ni NBI Cybercrime chief Victor Lorenzo, tumaas ng 100 porsiyento ang ini-report sa kanila na mga kaso ng cybercrime dahil mas natutok ang publiko online dulot ng pandemya.

Kadalasan aniyang dayuhan ang mga suspek at target ay mga retiradong senior citizen.

“Ang basic rule lang naman diyan, when it’s too good to be true, it is not true. Hindi natin sinasabi that all those people who want to be friendly online are scammers. Exert effort to validate,” ani Lorenzo. (IS)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?