49

By

Milyon ang patong sa ulo! 3 ‘amasona’ nakorner sa Cagayan Valley

Timbog ang tatlong ‘amasona’ na tinaguriang matataas ng pinuno ng New People’s Army (NPA) ng pinagsanib na Philippine Army (PA) at Cagayan Police Office (CPO) sa Cagayan Valley noong Miyerkoles.

Kinilala ni PA Division Public Affairs Officer (DPAO) chief Maj. Noriel Tayaban, ng PA 5th Infrantry Division, ang mga nadakip na sina Violeta Ricardo, alyas ‘Ka Issa’ , deputy secretary ng Northern Front Committee at pinuno ng regional finance ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley; Cristina Miguel Garcia alyas ‘Ka Senyang’, staff regional operation department ng Kilusang Guerilla Cagayan Valley at Delailah Padilla, alyas ‘Ka Domsay’, education staff Squad dos ng Northern Front.

Ayon kay Tayaban, matapos ang ginawang isang buwan na military at police surveillance, nadakip ang mga rebeldeng babae sa magkahiwalay na checkpoint sa Naddungan Gattaran, Cagayan at Leonarda, Tuguegarao City.

Ayon sa hepe ng DPAO, si Ka Issa ay mayroong kinakaharap na mga kasong dalawang kaso ng murder, isang frustrated murder at rebelyon na may patung sa ulo na P2.4 million.

Aniya, si Ka Senyang naman ay mayroon ding kinakaharap na kasong tatlong bilang ng murder, isang kaso ng frustrated murder, isang qualified assault upon an agent in authority with murder.

Habang si Ka Domsay ay nahaharap sa kasong murder at robbery with murder at may patung sa ulong na P700,000.

Ayon sa military, nakahanda na umano sila sakaling magsagawa ng pagganti ang mga kasamahang rebelde ng mga naarestong suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?