8,156

Jan 9, 2022 @ 11:12
By

Milyon ang basher: Xian muntik ma-depress sa batikos ng KathNiel fans

Muntikan na raw ma-depress ang social media personality na si Xian Gaza dahil sa galit ng mga tagahanga ng KathNiel.

Kamakailan kasi ay dinamay nito sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa galit niya kay Barbie Imperial.

Namataan kasi sa bahay ng ina ni Daniel si Barbie, dito na nagpahiwatig si Xian na may namamagitan sa dalawa.

Dahil dito, nagalit at binatikos ng KathNiel fans si Xian.

Pahayag ni Xian sa kaniya Facebook ay milyon ang kaniyang mga basher.

“BASHERS: (1.5 million KathNiel Fans Club) YUNG NAG-IISANG TAO NA BINASH,” pahayag nito sa kaniyang post kalakip ang isang video niya habang may nagmamasahe ng kaniyang ulo.


Saad pa nito sa comment: “Muntik ma-depress.”

Hindi rin daw umano niya mapigilan ang ma-stress.

“Stressed na stressed kawawa naman,” dagdag pa nito. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?