40

Dec 23, 2019 @ 17:24
By

Millsap, Nuggets ginarote ang Lakers

Absent si LeBron James, hindi nakaporma ang Los Angeles sa Denver.

Umiskor si Paul Millsap ng 21, dinomina ng Nuggets ang second half bago nagtuloy sa 128-104 panalo Linggo ng gabi.

Anim na players ng Nuggets ang naglista ng double figures. May 19 si Garry Harris, 18 kay Nikola Jokic at 16 pa kay Malik Beasley. Umayuda si Will Barton III ng 14 points at career high-tying 13 rebounds.

Dumistansiya ng hanggang 23 ang Denver sa kaagahan ng fourth.

“It feels good to get a win in LA even if LeBron wasn’t playing,” ani Jokic.

Sa unang pagkakataon ngayong season, liban si James dahil sa thoracic muscle strain. Hindi napunan ng Lakers ang kanyang averages na 25.8 points at 10.6 assists.

“It’s kind of hard to next-man-up LeBron,” bulalas ni Kyle Kuzma, pangalawang LA player lang na may double figures sa 16 points.

Naka-street clothes sa sidelines si James, hindi kinayang isalba ng 32 points at 11 rebounds ni Anthony Davis ang LA.

Humarabas ng 73 points ang Denver sa second half sabay sa paglimita sa Lakers sa 51

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?