82

Nov 2, 2019 @ 22:20
By

Mills tinagpas ang Warriors

Ilang oras tapos makumpirma na tatlong buwang mawawala si Stephen Curry, isinurender ng Golden State Warriors ang 127-110 loss sa San Antonio Spurs.

Biyernes ay nakumpirma ng Warriors na kailangang operahan ang kaliwang kamay ni Curry na nabali sa 121-110- loss sa Phoenix nitong Miyerkoles.

Umiskor ng 31 points off the bench si Patty Mills para sa Spurs. nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 22 points.

Wala si Curry at nagpapagaling pa si Klay Thompson (ACL), si D’Angelo Russell muna ang inaasahang tatayong lider ng Warriors. May team-high 30 points siya kontra San Antonio.

Pero ‘di kinayang balikatin ni Russell ang Golden State, kahit nakakuha ng suporta sa tatlong teammates na umiskor ng double figures sa pangunguna ng 20 ni rookie Jordan Poole.

Kalagitnaan ng fourth, nagsimula nang luminya sa exits ng Chase Center ang Warriors fans. Winless ang Golden State sa tatlong home games ngayong season.

Nagkamada ng 19 points si Russell sa first half at nakadikit pa ang Warriors 57-55 sa break.

Umiskor ng 40 sa third ang Surs tungo sa 97-86 lead papasok ng fourth. Kabilang dito ang 12 ni Aldridge sa quarter at 13-2 Spurs run.

Anim sa siyam na 3-point attempts ang ipinasok ni Mills, kinapos ng tatlo para pantayan ang career high.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?