46
Mills ang galing ‘dumaliri’
Mar 19, 2020 @ 16:10
By

Mills ang galing ‘dumaliri’

Jamming session muna si San Antonio Spurs veteran Patty Mills habang suspendido ngayon ang mga laro sa NBA dulot ng paglala ng coronavirus o COVID-19.

Sa nilabas niyang video sa kanyang Twitter account, mabibighani ang mga Eba sa husay ng Australian basketball player sa pagtugtog ng gitara.

Hindi lang kasi pang-sports ang peg nito kundi pang-music pa dahil bawat kalikot at pilantik ng mga daliri nito sa strings ay nakaka-elib.

Dinaan na lamang ng 31-anyos na guard sa musika ang pagka-boring dahil kasalukuyang naka-home quarantine ang mga manlalaro upang maiwasang madapuan ng nakamamatay na mikrobyo.

Kasabay nito ay nanawagan pa ang NBA player sa mga nangangailangan ng kanyang serbisyo gamit ang social media.

“I’m also free and available for any group in need of guitarist. In box me for booking @Giannis_An34,” se ni @Patty_Mills.

Enjoy naman ang mga fan sa nakakaaliw na pang-ubos oras ni Mills habang naka-lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?