14
bishop-oscar
By

Military Ordinariate, tutol sa pag-aarmas ng mga pari

Sharing is caring!

Sa harap ng magkakasunod na insidente ng pagpatay sa mga alagad ng simbahan, hindi pa rin sang-ayon ang Military Ordinariate of the Philippines (MOP) sa panukalang armasan ang mga pari.

Naniniwala si Cebu Auxiliary Bishop at Military Diocese Apostolic Administrator Oscar Jaime Florencio na hindi solusyon ang pagbitbit ng baril ng mga pari sa nagaganap na karahasan sa kanilang hanay.

Iginiit ni Florencio na sa halip na magbitbit ng armas na simbolo ng karahasan, mas marapat pa ngang sila ay maging peacemaker o manguna sa pagtataguyod ng kapayapaan.

“As priest, we should be peacemakers rather than create havoc and confusion,” saad ng obispo.

Ayon pa kay Bishop Florencio, ang pagkakaroon ng baril ay lilikha lamang ng kultura ng kamatayan at kultura ng galit at ito ay taliwas sa misyon ng pari na maging mensahero ng kapayapaan.

“So the best solution is not to bring guns. The more you bring guns with you, the more you create a culture of death, the culture of hatred,” dagdag ni Florencio.

Una na ring tinutulan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Romulo Valles ang

panukalang armasan na ang mga alagad ng simbahan dahil bilang mga pari, bahagi na ng kanilang misyon na kung minsan ay maharap sa panganib, o kaya sa mismong kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?