81

Dec 12, 2017 @ 11:59
By

Military ops vs. NPA patuloy sa Zambo

Walang tigil kahapon ang operasyon ng militar kontra New People’s Army (NPA) matapos ng sunod-sunod na sagupaan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur sa magulong rehiyon ng Mindanao.

Kamakalawa lamang ng hapon ay muling nagsagupaan ang mga sundalo at rebelde sa Brgy. Gasa sa bayan ng Lakewood. Nabawi sa lugar ang isang M60 machine gun, isang M16 automatic rifle at isang bomba, gayun rin ang mga medical supplies; jungle hammocks at backpacks.

Walang naiulat na casualties sa magkabilang panig sa labanan na nagtagal nang halos isang oras, ayon sa Western Mindanao Command (WesMinCom) sa pahayag nito kahapon.

“As of this report, other units were directed to maneuver towards probable withdrawal areas of the enemy while simultaneously conducting combat tracking and pursuit operations,” ani Brigadier General Roseller Murillo, commander ng isang Army joint task force.

Kilalang kuta ng NPA ang Zamboanga Peninsula at maraming beses na rin itong naglunsad ng atake laban sa militar sa mga nakalipas na opensiba. (Al Jacinto)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?