66

By

Military cargo plane nag-crash sa Iran, 15 patay

Isang military cargo plane ang dumausdos sa runway, nag-crash at nasunog sa Tehran kung saan nasawi ang 15 sa 16 na sakay nito.

Ayon sa report, may kargang mga karne mula sa Bishkek sa Kyrgyzstan ang Iranian Boeing 707 Military Cargo Plane nang bumagsak ito sa Fath Airport sa Karaj.

Kapwa Iranians umano ang mga nasawi.

Nakaligtas lang umano sa insidente ang isang flight engineer.

Hawak na umano ng mga imbestigador ang black box mula sa eroplano na magbibigay ng detalye hinggil sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?