34
wps1
By

Militarisasyon ng China sa West PHL Sea, nakababahala – US ambassador

Sharing is caring!

Nababahala ang pamahalaan ng Amerika sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Iniulat nang lumapag ang war planes ng China sa mga isla na tinambakan nito at ginawan ng paliparan bukod sa naglagay din umano ng jamming device.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Ambassador to the Philippines Sung Kim na nakita nila na patungo na ang China sa militarisasyon ng pinag-aagawang teritoryo, partikular na sa Fiery Cross at Mischief Reef na inaangkin ng Pilipinas.

“We are concerned anytime a claimant including China takes an aggressive unilateral action towards militarization. It seems to suggest that they [China] are moving towards militarization,” sabi ng ambassador.

Dahil dito, naglalayag ang mga barkong pandigma ng Amerika upang maiparamdam umano na handa silang tumulong na masiguro na igagalang sa West Philippine Sea ang mga karapatan doon ng international community gaya ng freedom of navigation, freedom of passage at freedom of overflight.

Tinukoy nito ang paglalayag doon ng nuclear-aircraft carriers ng Amerika na USS Carl Vinson at USS Thedore Roosevelt.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?