17

By

Militar pampuno ni Digong sa mababakanteng puwesto sa gabinete

Sharing is caring!

Mga militar ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalit sa mga miyembro ng gabineteng tatakbo sa 2019 midterm elections.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagdating sa bansa mula sa Bali, Indonesia na naghahanap na ito ng ipapalit sa mga mababakanteng puwesto sa gabinete dahil kailangang mapunan agad ang mga ito.

Pinakahuli aniya sa mga itinalaga nito ay si incoming Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista.

“There has to be replacement because there are positions to be vacated. I have already appointed si Rolly Bautista,” anang Pangulo.

Si Bautista ang kasalukuyang hepe ng Philippine Army na nakatakdang magretiro sa darating na Lunes, October 15.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na walang kinalaman sa politika ang pagpili nito ng mga militar para ilagay sa gabinete at ibang mga puwesto.

Sinabi ng Presidente na kapag inutusan ang militar ay gagawin kaagad, di tulad ng mga pulitiko na mas marami ang salita kaysa gawa.

“You know my choices. It has nothing to do with politics. I just want military people kasi alam ko na isang utos lang, kagaya ng Marawi, kagaya ng Boracay. Mangyari kaya ‘yan kung hindi si Cimatu pati si Del Rosario ang inutusan ko?,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?