37

By

Militar nakaalerto vs NPA sa Ifugao

Sharing is caring!

Nakabantay ang tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos itong sumagupa sa Binablayan, Tinoc, Ifugao.

Ayon kay Lt. Col. Narciso Nabulnag Jr., commanding officer ng 54th Infantry Battalion ng Philippine Army, tumagal ng 15-minuto ang engkuwentro ng mga sundalo at nasa 10 miyembro ng Special Partisan Unit ng NPA ang umatake sa puwersa ng pamahalaan.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang sundalo ukol sa presensiya ng mga rebelde sa Binablayan kaya agad na rumesponde ang mga sundalo at nang makarating na sa lugar ay pinaputukan na sila ng mga rebelde.

Narekober mula sa engkwentro ang isang 30 caliber garand at isang carbine na may siyam na cartridges, 30 caliber ball at motorsiklo.

Walang naitalang kasuwalidad sa tropa ng pamahalaan habang kinukumpirma pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa hanay ng mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?