389

Feb 2, 2019 @ 13:36
By

Militar nagpakawala ng mga air strike sa Maguindanao

Naglunsad ng mga air strike ang militar laban sa rebelde na Islamic State o IS sa Maguindanao upang mapuksa ang mga ito.

Ayon sa report ng Inquirer, sinabi spokesperson of Army’s 6th Division Major Arvin Encinas na dalawang OV-10 planes ang nagbagsak ng 250-pound na bomba sa lugar ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Sultan sa Barongis.

Nakita rin ng mga residente malapit sa Pigcauayan sa North Cotabato ang dalawang FA-50 jets na naghulog din ng bomba sa Luguasan Marsh kaninang umaga.

Dagdag pa ni Encinas, naglunsad ng atake ang militar bandang alas-singko nang madaling-araw nang maituro ng tropa ang lokasyon ng mga rebelde.

Ayon naman kay ground military commander Major General Cirilito Sobejana, kasalukuyang nasa full alert ang mga militar nang makatanggap ng balita na 40 Jihadists ang naka sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?