120

Jan 3, 2018 @ 10:03
By

Militar balik sa pagtugis sa mga NPA – DND

Simula ngayong araw ay magpapatuloy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang combat operation laban sa New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Department of National Defense Spokesperson Arsenio Andolong, ito ay dahil sa natapos na kaninang gabi ang ipinatupad na Suspension of Military Operation (SOMO).

Pero kung ipag-uutos aniya ng Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang SOMO ay kanila itong ipapatupad.

“Effective 12:00 midnight simula na, as far as the rules of engagements are concerned, when the ceasefire lapses tonight at 11:59 then that automatically means that we will resume offensive combat operaitons unless thecommander in chief orders otherwise,” sabi ni Andolong.

Sa kabuuan, naging matagumpay umano ang ipinatupad na ceasefire kahit na may ilang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang hindit tumupad dito.

Nakapagpahinga rin aniya kahit papaano ang mga sundalo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?