114

Nov 6, 2017 @ 10:37

Militanteng grupo, tutol sa pagbisita ni Trump sa PHL

Malalagay umano sa kapahamakan ang Pilipinas sa nakatakdang pagdalaw sa bansa ni US President Donald Trump bilang bahagi ng kanyang Asian tour at pagdalo sa ASEAN Summit.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, ngayon pa lamang ay matingkad na ang pag-alma ng mga samahan at kilusan sa ilalim ng Bayan dahil sa makakaladkad lamang ang bansa sa hidwaan ng Estados Unidos at North Korea.

Dahil dito, gagamitin ng mga militanteng grupo sa kanilang kampanya ang #bantrumpPH bilang pagpapahayag ng pagtutol sa pagtungo sa bansa ni Trump at laban sa mga dikta nito sa bansa.

Wala aniyang kalaban-laban ang mga Pinoy sakaling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Amerika at ng North Korea.

Tinuran pa ni ka Reyes na hindi malayong magtayo muli ng mga military base camp ang Amerika sa bansa kapalit ng tulong sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at suporta sa kampanya ng Duterte government laban sa iligal na droga. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?