144

Jan 29, 2019 @ 23:11
By

MILF magpakitang-gilas kayo sa Jolo bombing – Recto

Hinimok ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumulong sa pagresolba sa pambobomba sa isang Simbahang Katoliko sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Recto, maaaring magpakitang-gilas ngayon ng MILF bilang “government-in-waiting.”

Ipinunto na ang MILF ang mangangasiwa sa isang bahagi ng Mindanao, kasama ang Sulu, dahil sa naratipikahan nang Bangsamoro Organic Law (BOL) na resulta naman ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng mga dating rebeldeng Moro.

Umano’y pwede nang pabigyan ng gobyerno ng pondo ang MILF para makatulong sa paglutas ng insidente pero kahit wala pa ang pondo, maaari na umanong makatulong ang mga ito.

“Kahit hindi pa dumarating ang pondo, pwedeng pakitang-gilas na sila. Magpakita ng initiative sa paglaban sa mga terorista,” sabi ni Recto.

“They cannot be fence-sitters on this. Para ipakita na this is a preview of the kind of governance we will implement. Kung mayroong nananabotahe sa kapayapaan, dapat tumulong sila sa pagsuplong. Para ipakita na kaya nilang patahimikin ang sinumang nanggugulo sa kanilang bakuran,” diin pa ni Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?