99

Mar 28, 2018 @ 15:15
By

MILF leaders pinulong ni Duterte sa bisperas ng kanyang kaarawan

Tinipon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bisperas ng kanyang kaarawan,Martes ng gabi sa Matina, Davao City.

Kasama ng Pangulo sa pulong sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) secretary Adelino Sitoy at Special Assistant to the President Bong Go.

Ang pulong ay bahagi ng regular meeting na napagkasunduan ng mga opisyal ng gobyerno at mga opisyal ng MILF kaugnay sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law na nakasalang sa mababang kapulungan ng kongreso.

Muling tiniyak ng Pangulo sa MILF ang kanyang hangarin para sa Mindanao para tuluyang malutas ang ugat ng karahasan sa rehiyon.

Sinabi ng Pangulo na sisiguruhin niyang makikinabang ang lahat ng sektor, kahit hindi muslim sa bagong BBL sa sandaling maisabatas ito.

Kabilang sa mga nakipagpulong sa Pangulo ay sina MILF chairman Al- Haj Murad Ebrahim, Bangsamoro Transition Commussion Chairman Ghadzali Jaafar at MILF Peace Panel Chairman Mohagher Iqbal.

Ayon kay Murad, si Pangulong Duterte ang kanilang natitira at huling baraha dahil kung hindi mangyayari sa Duterte administration ang inaasam na pagbabago sa Mindanao ay hindi na ito magagawa pa sa mga darating na panahon.

“If it does not get done during the Presidency of President Duterte, we seriously doubt if we can do it at all, in the future. President Duterte is now our only and last card,” ani Murad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?