85

Oct 8, 2018 @ 17:18
By

MILF ‘di sasawsaw sa 2019 polls

Hindi na muna makikibahagi sa 2019 midterm elections ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang pagtitiyak ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim.

Ngunit aniya ang pagbabago ng MILF mula sa pagiging rebolusyonaryo sa isang partido ay patunay na tuloy ang kanilang pakikibaka para sa kapayapaan at kaunlaran sa kanilang teritoryo.

Noong 2014 binuo ng MILF ang United Bangsamoro Justice Party bilang paghahanda sa mga darating na halalan at inirehistro pa ito sa Comelec.

Ngunit nabigo ang 16th Congress na maipasa ang Bangsamoro Basic Law.

Ngayon, ang pangarap ng MILF na pasukin ang mundo ng politika ay nakasandig sa bagong Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Murad nakatuon ang kanilang atensyon para sa pangangampanya sa plebisito para sa ratipikasyon ng BOL sa darating na Enero 21.

Sinabi nito na nagsasagawa na sila ng mga dayalogo para malinawan ang kanilang kababayan ukol sa BOL.

“The UBJP will stand neutral during the May 2019 local elections,” sinabi ni Murad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?