43

Jan 4, 2020 @ 21:34
By

Miley Cyrus nakipag-areglo sa kasong copyright infringement

Nagkapirmahan na ng settlement agreement si Miley Cyrus at ang Jamaican songwriter na nag-akusa sa una ng pagnanakaw ng kanta.

Sinampahan ang 27-anyos na si Miley ng $300 million copyright infringement lawsuit ng songwriter dahil ninakaw umano ng una ang smash hit song niyang “We Can’t Stop”.

Ayon kay Michael May, malaki ang pagkakatulad ng kanta ni Miley na “We Run Things” sa 1988 song niyang “We Can’t Stop”.

Pinagrambol-rambol lang daw ang mga salita gaya ng lyrics niyang “We run things. Things no run we” na ginawang “We run things. Things don’t run we” sa kanta ni Miley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?