45
Miley Cyrus
Jan 15, 2018 @ 15:17

Miley Cyrus, may pa-birthday message kay Liam Hemsworth

Ibinahagi ni Miley Cyrus ang ‘nilalanggam’ niyang mensahe sa fiance na si Liam Hemsworth para sa kaarawan nito.

“Happiest birthday to my very best friend on the entire planet! I love u!” ang caption ni Miley sa Instagram post niya sa bakasyon nila ni Liam sa Australia kasama ang pamilya ng kanyang kasintahan.

Nagselebra ng kanyang ika-28 kaarawan si Liam sa Gold Coast sa Queensland, kasama si Miley at kanyang magulang na sina Leonie at Craig.

Nagsimula ang romansa nina Miley at Liam noong 2009 nang magkakilala sa set ng pareho nilang pelikula na “The Last Song”.

Naging engaged sila noong 2012 pero naghiwalay matapos ang isang tao pero muling nagkabalikan taong 2015.

“I hope I get to live a little bit more. I have too much living to do (before I get married),” ani Miley sa Cover Media.

“I’m just riding this out. I have no idea what the next three years will bring, but if it’s possible to get even happier, I’ll take it.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?