42
ABANTE miley liam wedding
Jan 16, 2018 @ 17:30

Miley Cyrus, Liam Hemsworth nagpakasal na

Nagpakasal na umano sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth sa Byron Bay, Australia, sa report ng NW magazine.

Nagsabihan na umano ng ‘I Do’ sa isang lihim na seremonya sina Cyrus at Hemsworth matapos ang New Year’s trip sa Land Down Under.

Ayon pa sa source ng publikasyon, espesyal na lugar umano ‘yon sa dalawa dahil dito umano nila naramdaman na hindi nila kayang mabuhay na wala ang isa’t isa at nagdesisyon na bigyan pa ng tiyansa ang kanilang relasyon.

Unang inanunsiyo ng dalawang celebrities ang kanilang engagement noong 2013 pero naghiwalay sila at nagkabalikan noong Enero, 2016.

Wala namang inilalabas pang pahayag sina Liam o Miley hinggil sa ulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?