38

Dec 25, 2018 @ 17:44

Miley Cyrus, Liam Hemsworth ikinasal na?

Usap-usapan online ang pagpapakasal na diumano nina Miley Cyrus at Liam Hemsworth.

Sa kumakalat na larawan mula sa Instagram, makikita ang dalawa na tila maghihiwa ng wedding cake.

Nakasuot si Cyrus ng off-the-shoulder ivory gown habang ang Australian fiance niyang si Hemsworth ay naka-black suit at siyang may hawak ng kutsilyo habang nasa ibaba ng kamay niya ang kamay ng una.

https://www.instagram.com/p/BryBkNulLjl/?utm_source=ig_embed

Sa video naman makikita ang magkapatid na Hemsworth habang umiinom sa umano’y wedding party.

Nagkakilala ang dalawa sa pelikulang “The Last Song” noong 2009.

Ilang beses silang naging on and off bago na-engaged noong 2012 pero kinansela ito taong 2013.

Muli silang nagkabalikan noong 2016.

IS

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?