8

Aug 14, 2020 @ 15:51
By

Miley Cyrus, Cody Simpson hiwalay na?

Napaulat na hiwalay na ang dalawang dayuhang singer na sina Miley Cyrus at Cody Simpson.

Sa ulat ng E! News, si Cody, 23, ang nagpasimuno sa break up kay Miley, 27, ilang linggo lang matapos ang 10-buwang pagde-date.

Lumabas ang balita ilang oras bago ilabas ang bagong single ni Cyrus na “Midnight Sky”, Biyernes.

Maayos pa umano ang relasyon ng dalawa noong Hulyo, ayon sa source ng report.

Hindi naman natukoy kung ano ang dahilan ng hiwalayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?