75

Dec 27, 2018 @ 15:10

Miley Cyrus at Liam Hemsworth, kasal na

Matapos ang 10 taon na on and off relationship, naging mag-asawa na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth.

Nagkakilala ang 26-anyos na pop star at ang 28-anyos na aktor noong 2009 sa set ng pelikulang “The Last Song” at naging magkarelasyon taong 2010.

Na-engaged sila noong 2012 pero nag-break matapos ang isang taon.

Nagkabalikan ang dalawa noong 2016 New Year’s Holiday kung saan kinumpirma rin kalaunan ni Cyrus na ibinalik nila ang engagement.

Kinumpima ni Cyrus ang kasal nila ni Hemsworth sa serye ng mga larawan na ipinoste niya sa social media na nilagyan niya ng mga caption na, “This is probably our one – millionth kiss ….”, “12.23.18” at “10 years later …..”

View this post on Instagram

This is probably our one – millionth kiss ….

A post shared by Miley Cyrus (@mileycyrus) on

View this post on Instagram

12.23.18

A post shared by Miley Cyrus (@mileycyrus) on

View this post on Instagram

10 years later …..

A post shared by Miley Cyrus (@mileycyrus) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?