66
Miley Cyrus
Dec 29, 2018 @ 18:06
By

Miley Cyrus at Liam Hemsworth ayaw pang magka-baby

Wala pang isang linggo mula nang ikasal, binabato na ng mga tanong tungkol sa pagsisimula ng sarili nilang pamilya sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth.

Ayon umano sa source ng Dailymail na malapit sa Cyrus family, kapwa mahilig sa mga bata ang mag-asawang Hemsworth pero wala pang plano ang mga ito na magkaanak agad.

“They both love kids, but they’re not in a rush to start a family,” sabi ng source.

Ikinasal ang dalawa noong December 23 sa isang casual ceremony sa bahay ni Miley sa Franklin, Tennessee. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?