9

Jul 17, 2020 @ 14:42
By

Mild COVID patient `di sapilitang ika-quarantine

Hindi pupuwersahin ng Department of Health (DOH) na ilagay sa temporary monitoring facility ang mga taong mayroong mild symptom ng COVID-19 at naka-confine ngayon sa mga ospital.

Ipinaliwanag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring ipagpatuloy ng mga hospital ang paggamot sa mga pasyenteng may mild case sa kanilang mga pasilidad hanggang hindi na sila makitaan ng mga sintomas ng virus.

“Ang ginagawa natin ay proactive tayo. I mean hindi tayo magre-retroactive, meaning kung sino lang ang mga darating ngayon, yon nayon ipapatupad ang protocol at kailangan sumunod ng mga ospital,” ayon kay Vergeire.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hinihikayat nila ang mga mild patient o ang mga pasyenteng kabilang sa mga “vulnerable population” (madaling dapuan ng virus) sa mga quarantine facility ng gobyerno para maiwasan ang pagsisikip at mabigyan ng prayoridad sa mga ospital ang may malalang kondisyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?