8

Mar 22, 2021 @ 11:10
By

Mild COVID case sa maliit na ospital na lang pumunta – PHA

Hinikayat ng Philippine Hospitals Association (PHA) ang mga pasyenteng may mild COVID-19 symptoms na sa maliliit na ospital na lang pumunta at huwag na sa malalaking ospital.

Ayon kay PHA president Dr. Jaime Almora, “overloaded” na kasi ang “capability” ng big hospitals, at hindi naman karaniwang nangangailangan ang mga mild na kaso ng “critical equipment” na mayroon sa malalaking ospital.

“Nanawagan tayo sa mga pasyente ng may mild symptoms na sa maliit na ospital na kayo pumunta kasi overloaded na ‘yung capability — it’s not actually the capacity, but the capability — ng malalaking ospitals,” banggit ni Almora sa isang panayam, Lunes.

“Ordinarily, itong malalaking ospitals na ito, nakakapag-expand naman ‘yan. Kaso sa sitwasyon na ito, kulang sila sa manpower, so hindi sila makapag-expand ng kanilang capacity,” dagdag niya.

Wika pa ng PHA head, hindi “timeout” ang solusyon ngayong may panibagong pagsirit sa mga kaso ng coronavirus sa bansa, kundi “reinforcement.”

“Kelangan natin ng reinforcement, especially sa mga nursing services. Napaka-strained na sila masyado; overworked na yung mga nurses natin,” sabi ng doktor.

“Ironically, ang reinforcement na kailangan ngayon ng health services ay manggagaling sa military at sa police, kasi sila na ang pinakamalaking employer ng mga nurses,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?