39

Oct 18, 2021 @ 19:13
By

Mikey Williams PBA Player of the Week

Matapos tulungan ang TNT Tropang Giga na makabalik sa PBA Philippine Cup finals ay itinanghal na Player of the Week ang rookie na si Mikey Williams.

Nag-average si Williams ng 15.7 points tampok ang 45% shooting mula sa tres at 5.0 assists sa nakaraang linggo.

Dahil sa bagsik ni Williams ay nakuha ng TNT ang finals seat matapos gibain ang San Miguel Beermen sa semifinals na umabot sa game seven.

Sa game seven ay kumamada ang Fil-Am guard ng 20 points, eight rebounds at six assists.

Kaya naman, muling aasahan ng TNT ang produksyon ni Williams sa pagbangga nila sa Magnolia Hotshots sa best-of-seven finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?