100

Dec 13, 2019 @ 14:01
By

Mikey Garcia kating makasapakan si Pacquiao

Ramdam ng Mexican-American fighter na si Mikey Garcia na kaunti na lang ang distansya niya sa pakikipagtungalian kontra sa ‘Pambansang Kamao’ na si Manny Pacquiao.

Pahayag ng former four-division champion, nilalalakad na raw ang kanilang bakbakan at posibleng mangyare ito sa paparating na 2020.

“We’ve been discussing a fight against Manny Pacquiao for a long time now, and it seems like it’s very close and it can actually happen,” pahayag ni Garcia sa Fighthype.

Asam rin ni Garcia na kung makikipagbakbakan siya kay Manny ay mas gugustuhin niyang ganapain ito sa Las Vegas kaysa sa Middle East dahil tiwala siyang nandoon ang mga diehard boxing fans.

“Let’s be honest, we have most of our fans here. Not everyone is going to be able to make the trip out to Saudi Arabia or some exotic location – but I’m open to fighting anywhere else as well,” Garcia said.

Matatandaang si Mikey ay natalo sa IBF welterweight champion laban kay Errol Spence nitong Marso habang fighting senator ay kakasungkit lamang ng WBA ‘super’ welterweight title matapos talunin si Keith Thurman sa 12-round decision nitong Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?