137

By

Mikee Cojuangco sariwang-sariwa at 43

Sharing is caring!

NAKITA ko the other night sa Manila Peninsula Hotel si Mikee Cojuangco and in fairness, hindi nagbabago ang kanyang hitsura. Mukha pa ring bata ang pinsan ni Kris Aquino, huh!

Nang tanungin ko ang manager niyang si Girlie Rodis kung ilang taon na si Mikee, nagulat pa ako nang sabihin niya sa akin na 43 na ang misis ni Dodot Jaworski.

Wala rin sa hitsura ni Mikee na may 3 sons na siya!

Sa ngayon, hindi nag-aartista si Mikee dahil member siya ng International Olympic Committee, pero sa Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Ang Larawan na pinagbibidahan nina

Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino ay nagawang makapag-shooting ni Mikee.

Bale cameo role lang daw ang labas ni Mikee sa Ang Larawan, kaya nagawa niyang makapag-shooting sa pelikulang ‘yon.

Ang mister nga pala ni Mikee, wala na sa pulitika dahil private businessman na ito at mina-manage ang kanilang resort sa Bataan, ang Brizo Resort Hotel na hindi naman daw kalakihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?