68
Mikee Cojuangco itinalagang IOC Education Commission chair
By

Mikee Cojuangco itinalagang IOC Education Commission chair

Itinalaga ng International Olympic Committee o IOC bilang chair ng IOC Education Commission si Mikee Cojuangco Jaworski.

Nasa 45.4 porsiyento ng mga posisyon mula sa 27 na komisyon ng IOC ay dominado na ngayon ng mga kababaihan na nagpapatibay sa kanilang layuning maitaguyod ang gender equality at pagusbong ng young-change makers na kanilang sinumilan noong 2013.

“Gender equality, both on and off the field of play, is one of the key focus areas of Olympic Agenda 2020,” sabi ni President Bach.

“With the number of female athletes participating at the Olympic Games, we are practically there for Tokyo 2020. Off the field of play, we will continue our efforts, but we are very proud of having reached such strong female and youth participation in a very short time.” ayon sa IOC

Bukod kay Cojuangco, dalawa pang kababaihan ang itinalaga bilang chair ng IOC Representatives na sina retired Finnish race walker at politician Sari Essayah para sa IOC Sport at Active Society.

Habang hinirang naman si former synchronize swimmer Dutch Antillean Nicole Hoevertsz bilang Coordination Commission para sa 2028 Olympic Games Los Angeles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?