159
Mike Tyson muntik nang makipag-boxing sa gorilla
Feb 18, 2019 @ 19:31
By

Mike Tyson muntik nang makipag-boxing sa gorilla

Ibinunyag ni Mike Tyson na sinubukan niyang magbayad para lang makipagsagupa sa gorilla.

Inalok umano niya ng £10,000 ang zookeeper para buksan ang kulungan ng gorilla para makapasok siya at makalaban ito.

May nakita umano siyang malaking silverback gorilla na nambu-bully ng ibang gorillas kaya gusto niya itong hamunin.

“When we got to the gorilla cage there was one big silverback gorilla there just bullying all the other gorillas. They were so powerful but their eyes were like an innocent infant. I offered the attendant $10,000 to open the cage and let smash that silverback’s snotbox! He declined,” kuwento ni Tyson.

Sa kabila nito, kilala si Tyson na animal lover kung saan marami siyang alagang kalapati noong bata pa siya hanggang sa magkanlong ng mga tigre nang sumikat naman sa kanyang boxing career.

Siya ang pinakabatang naging Heavyweight champion sa edad na 20, taong 1986.

Binalot ng kontrobersiya ang kanyang buhay matapos magretiro kung saan ay nakulong pa siya dahil sa kasong rape at nakipaglaban sa drug addiction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?