40

Jan 3, 2018 @ 16:18

Mike Tyson, magbubukas ng rantso ng marijuana sa California

Magbubukas ng kanyang rantso si dating boxing undisputed world heavyweight champion Mike Tyson.

Tatawagin itong Tyson Ranch sa California City, pero hindi siya mag-aalaga ng mga baka o tupa, bagkus ay target niyang magtanim dito ng marijuana.

Kung sakali ay magiging marijuana entrepreneur na si Tyson sa California

Sinimulan na ito ni Tyson at ng kanyang business partners na sina Robert Hickman at Jake Strommen noong Disyembre 20 sa isang 40-ektaryang lupain sa Mojave Desert sa Los Angeles, ayon sa Associated Press.

Gagamitin ni Tyson ang 20-ektarya nito para bigyan ng tiyansa ang mga professional growers na pag-aralan ang benepisyong taglay ng marijuana bilang medisina.

Naging legal na ang recreational marijuana sa California nitong Enero 1 at nagsimula nang dumagsa ang mga mamimili nito sa mga lisensiyadong tindahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?