17

Mike Tyson, hinarang sa Chile

Sharing is caring!

Hinarang ng Chilean police si US boxer Mike Tyson na makapasok sa bansang Chile dahil sa hindi umano nito pagsunod sa immigration law.

Ayon sa Reuters, pababalikin na sa kanyang bansa si Tyson.

Nakaplano sanang dumalo ang dating heavyweight champion sa awards ceremony ng action films na gaganapin sa Santiago, capital ng Chile.

Hindi naman umano tinukoy ng Investigative Police (PDI) kung ano ang hindi sinunod na batas ni Tyson.

Matatandaang nakulong ng tatlong taon sa US si Tyson dahil sa kasong rape, taong 1992.

Noong 2012 naman ay binawi ng New Zealand ang entry visa ng boksingero para sa isang charity event, dahil sa kinaharap niyang kasong rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?