103

By

Mike Magat, si Eddie Garcia ang gustong peg sa kanyang career

Sharing is caring!

Masaya ang aktor/direktor na si Mike Magat sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanya. May bago na naman kasing project si Mike at masasabing naiiba ito dahil sasabak naman siya ngayon sa pelikulang musical.

Si Mike na napapanood ngayon sa TV series na Contessa ng GMA-7 ay kagagaling lang din sa Japan para naman sa shooting ng kanyang international movie na pinamagatang Turista, na siya mismo ang bida at direktor.

Ang bago niyang project ay ang Hapi Ang Buhay na isang musical film. Game ba siya sa ganitong klaseng project? Kakanta ba siya rito?

Tumawa muna si Mike bago sumagot, “Yup, kumanta ako… kahit ano’ng role naman, wala nang pili-pili pa, hehehe.”

Nabanggit din niya na ito ang kanyang gustong maging image, isang versatile na actor na, direktor pa.

“Yes, idol ko si direk Eddie Garcia, eh. Nakausap ko na siya, napakabait niya. Busy lang siya sa taping, but willing siyang magpadirek sa akin. Naka-usap ko siya sa phone, last year pa.”

May movie kang Hapi Ang Buhay, tapos may Contessa ka pa, hindi ba mahirap pagsabayin? Tapos isisingit mo ba yung movie mong Turista?

“Actually, may four stories ako, new project na gagawin ngayon, lahat may moral values, asap ito.

“Bihira kasi mangyari ito, sabay-sabay kaya kahit pagod na ako ay hindi na ako umaangal. Mahirap, baka lumayo na naman ang work ayaw ko nang maranasan yung walang trabaho. Kaya habang dumarami, tanggap lang nang tanggap at ipon nang ipon. Para kapag wala na naman, sa oras ng kagipitan ay may mabubunot. Higit sa lahat, may nagagamit ako sa paglilingkod sa Ama.”

Kuwento pa ng actor/direktor, “Marami akong gagawing pelikula bilang director at actor dahil siguro nagkasunod-sunod ang award at napansin nila na sobrang dedicated na ako sa industriya ng pelikula. Lalo pa akong gagawa ng mga nakaka-inspire na pelikula… after kong maka-receive ng award, tumawag na ang mga kaibigan kong producer sa Amerika at magmi-meeting na kami para sa another film na pang international.

“Wala na akong mahihiling pa sa Ama kundi patuloy na lang Niya akong gabayan sa mga adhikain ko para makatulong sa pamamagitan ng pelikula. Dito ko na ilalabas kung ano ang mga paalala at gagawin ng tao sa buhay ngayon.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?