172

Dec 12, 2018 @ 20:52
By

Mike Harris, Best Import ng 2018 Governors’ Cup

Nasungkit ni Mike Harris ng Alaska ang Best Import award sa 2018 PBA Governors’ Cup.

Nadaig ni Harris si Romeo Travis ng Magnolia sa mahigpit na karerahan para sa Best Import honor, na iprinisinta bago ang Game Four ng Governors’ Cup finals sa pagitan ng Aces at ng Hotshots.

Kabuuang 1,209 points ang naitala ni Harris matapos manguna sa statistical points, media votes at PBA votes.

Nangibabaw naman si Travis sa players votes pero hindi naging sapat dahil nakapag-impok lang ito ng 914 points.

Ikatlo sa listahan si Justin Bronwlee sa 679 points, habang si Allen Durham ng Meralco ang nasa fourth sa 541 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?