9,706
Abante-VisMin-Radar-mike-enriquez-ben-tulfo
By

Mike Enriquez, dedma sa banat ni Ben Tulfo

Sharing is caring!

Hindi pinatulan ng radio at TV broadcaster ng GMA 7 na si Miguel “Mike” Enriquez ang matitinding banat laban sa kaniya ng broadcaster ng PTV 4 na si Ben Tulfo.

Si Tulfo ay kapatid ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na tumanggap umano ng P60 milyong halaga ng advertisements mula sa Department of Tourism (DOT).

Ayon sa mga writer at desk editor ng DZBB, ayaw pumatol ni Enriquez para hindi bumaba sa antas ni Tulfo.

Mas gusto umano nitong marinig ang paliwanag ng DOT at ang aksyon ng Malacañang ukol sa advertising contract.

Sa kanilang programa sa Super Radyo DZBB, si Enriquez ang pabiro pang sumasaway kapag kumakantiyaw sa DOT ang mga kasama sa programa na sina Arnold Clavio at Joel Reyes Zobel.

Sa Facebook post ni Tulfo, minura nito nang husto si Enriquez dahil pinaglaruan daw silang mga Tulfo.

Tinutukoy ang sundot ni Enriquez sa programa nito kahapon, Mayo 1, na Department of Tulfo ang DOT.

Bunsod ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nagbayad ang DOT ng P60 milyon para sa advertisement sa PTV 4. Ibinayad naman iyon ng PTV 4 sa Bitag Media Unlimited Incorporated. ni Tulfo dahil sa programa raw nito ipinalabas ang mga patalastas ng DOT.

Co-host ni Tulfo ang kapatid na si Erwin Tulfo.

“Ikaw, Mike, kaibigan kita. ‘Wag mong paglaruan ang D-O-T (Department of Tourism), tinawag mong Department of TULFO. Pinaglaruan niyo sa programa niyo ng medya-medyang muchacho mong si Joel Reyes Zobel! Ayaw kong pasikatin ‘yang uhuging kolokoy na ‘yan!” sabi ni Tulfo.

“Ipinagduldulan niyo, “conflict of interest.” Nasobrahan ata utak niyo sa sardinas. Buma, tang’na mo! (tomato w/ chilli),” sabi sa Facebook post ni Tulfo.

Buma ang tawag kay Enriquez noong FM radio DJ pa ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?