2,222

Jan 8, 2022 @ 14:48
By

Mikael Daez ‘na-first time’ ni Megan Young

Sa 11 taon nila bilang magkarelasyon, naka-first time din si Mikael Daez mula kay Megan Young.

Kwento ni Mikael, sa tagal ng kanilang relasyon ay nitong nakaraang kaarawan lang niya, Enero 6, ang unang pagkakataon na binati siya ni Megan sa saktong alas-12:00 ng madaling araw.

“11 years together and still so many stories to share. For the very FIRST time, Boneezy was able to greet me at exactly 12 midnight on my birthday,” saad ni Mikael sa kanyang Instagram post.

Bukod sa kanyang kaarawan, ipinagdiwang din ng celebrity couple ang kanilang ika-11 anibersaryo.

“Over the past few weeks, we’ve thoroughly enjoyed the holidays in our secret hiding places while binge watching on some shows, playing lots of games and right-click-saving some jpegs,” dugtong pa ng aktor.

Ani Mikael, excited silang pareho ni Megan sa mga magaganap ngayong 2022.

“With 2022 in full swing, and year number 12 well underway, we would like to announce that…not much will change! hahaha! Just same old challenge of trying to enjoy life regardless of what it throws at us. Cheers and happy new year to everyone!” saad pa ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?