430

By

Mikael Daez, Megan Young kasal na!

Nagpatali na ang aktor na si Mikael Daez sa kanyang long-time girlfriend na si dating Miss World Megan Young nitong January 25.

Pumutok ang balitang kasalan ng dalawa nang mag-post si Mikael sa kanyang Instagram ng litrato nila ni Megan habang nasa harap ng altar.

“Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young. #Finally,” caption ni Mikael.

Inulan sila ng congratulatory messages kabilang na sina Dimples Romana, Iza Calzado at Carla Abellana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?