190
Mika tawang-tawa sa paandar ng netizens sa ‘Kara Mia’
By

Mika tawang-tawa sa paandar ng netizens sa ‘Kara Mia’

Aminado si Mika dela Cruz na nahirapan siya sa pagganap bilang Mia sa Kapuso show na “Kara Mia”.

Aniya, tinanggap umano niya kahit mahirap dahil ito ang una niyang lead role.

May pagkakataon umano na paulit-ulit sila ng takes para masiguro na sakto ang sukat lagi at perfect ang pag-fit ng mukha niya sa likod ng ulo ni Barbie Forteza.

Masaya umano silang buong cast dahil sa positive reaction ng mga tao sa show nila.

Kitang-kita umanong inaabangan ito sa dami ng memes at videos na ginagaya sila ni Barbie.

“Andami nila talagang paandar! Ha ha ha!” sabi ni Mika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?