101

By

Mika Reyes, BF split na?

Matunog ngayon ang balitang hiwalay na sina Petron Blaze Spikers middle hitter Mika Reyes at nobyong aktor na si Jerome Ponce.

Mahigit tatlong taon na ding magkarelasyon ang dalawa.

Pero hindi maitago sa social media ang hiwalayan isyu ng dalawa at marami ang gustong makakumpirma kung totoo nga bang nagkalabuan na ang magdyowa.

“Is i t over fŗ mika reyes and jerome ponce?” tweet ni @dbuzzketball:

“Oh no,” sabi naman ni @PrettyPorky.

Sina Jerome at Mika ay unang nagkakilala nang mag-guest ang middle hitter/blocker volleybelle sa ABS-CBN Sunday noontime variety show na ASAP.

Mula noon ay madalas nang maispatan ang dalawa na magkasama sa iba’t ibang lugar at okasyon hanggang sa aminin nilang magkarelasyon na sila.

Ang huling naging girlfriend ng ABS-CBN actor ay si Elisse Joson, ngunit matagal nila itong itinago sa publiko hanggang sa naghiwalay sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?