309

Oct 16, 2017 @ 15:37

Migz Haleco, madugo ang adjustment sa ‘hiwalayan’ kay Maya

Proud na proud si Maya sa pagpu-post ng mga kuha ng baby nila ni Geoff Eigenman na talagang hands-on sa pag-aalaga. Doon lang din pala nakita ng dating ka-partner ni Maya na si Migz Haleco ang mga litrato ng baby at masaya raw siya para kay Maya.

Gusto rin daw sana niyang makita ng personal ang baby, pero wala pang chance. Tinanong na rin namin si Migz na kung sakaling kunin siyang ninong para sa baby ni Maya, okay lang ba sa kanya?

“Okay naman, kasi nagsama naman kaming matagal ni Maya eh,” nakangiting sagot ni Migz.

Open din daw siya sa posibilidad na magsama sila uli ni Maya sa mga gigs kapag gusto na nitong bumalik sa trabaho.

“Hindi naman naka-close ang doors ko para magsama uli kami eh,” say ni Migz.

Pero naka-adjust na rin naman daw siya ngayon sa pagsu-solo dahil na rin sa guidance sa kanya ng PPL at sa tulong ng Star Records na nagbigay sa kanya ng kontrata bilang solo artist.

“Yun kasi ang madugo sa akin nun na mag-adjust from duo to solo. Kasi parang back to zero, even sa repertoire ko, kailangan kong magdagdag.  Tapos, the way din sa pakikitungo ko sa mga tao, iba na. Kasi dati nagsasaluhan kami, ngayon biglang all of the sudden solo na.

“So, lahat big adjustment talaga sa akin, even yung process ng album sobrang hands on din naman ako na lahat buhos effort talaga,” pahayag ni Migz.

Bahagi na nga si Migz ng Star Records na siyang nag-release ng single niyang Pare Tama Na na bahagi na ngayon ng MOR Bigaten at available na sa lahat na digital stores nationwide.

Isinama na si Migz sa bagong grupo sa ASAP na Jambayan na kung saan kasama niya rito ang iba pang Star Records artist kagaya nina Inigo Pascual, Zia Quizon, Kay Cal at marami pa.

Inilunsad na sila sa ASAP kahapon, at kasabay nito ay patuloy pa rin silang pinapag-campaign sa kanilang entry sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2017.

Si Migz ang interpreter sa isang finalist na pinamagatang Bes na likha ni Eric de Leon. Puspusan pa ang botohan ngayon online para makuha ang isang special award na MOR’s Choice.

Kaya sa mga gustong tulungan si Migz, pakiboto lang ang entry niya sa Himig Handog. I-text lang sa 2366 ang MORHHSONG2. Hanggang sa November 25 ang

botohan sa text at puwedeng magpasok ng boto ng limang beses sa loob

ng isang araw. (GORGY RULA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?