19
miguel
By

Miguel nangungusap ang mga mata

Sharing is caring!

Nalaman na sa wakas ni Diego (Miguel Tanfelix) ang katotohanang hindi si Crisan (Bianca Umali) ang nasa katawan nito kundi ang kakambal nitong si Crisel (Pauline Mendoza).

Nagkaharap-harap na silang lahat dahil nagtangka si Crisel na gilitan ng leeg ang katawan ng kakambal niya. Pinigilan siya ng mga kaibigan at pamilya nila pero dama pa rin ang poot sa puso ni Crisel.

Tumatak naman sa amin ang performance ni Miguel kung saan humingi siya ng tawad kay Crisan na nasa katawan naman ni Cheska (Kyline Alcantara).

Dito, nagpakitang gilas ulit si Miguel sa lalim ng kanyang pag-arte dahil tagos sa puso ang mga linyang binitawan niya. Nakakabilib ang pag-arte ni Miguel dahil nangungusap ang mga mata niya habang umiiyak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?